"HELL WEEKSSSSSS" pag finals! I thought makakaligtas ako sa Infirmary this sem, just like last sem...regular visitor ako dun pag finals kasi.
Since last nyt hirap na akong huminga and still hindi ako natulog just to finish my reports kasi for me kahit anong mangyari il past the reqts/mag report etc para tapos na at wala ng iisipin. 3am paligo na ako and nagbihis na din. 9am nagreport ako and I felt something sa tyan ko..nag reverberate lahat ng nadidinig ko. After my report I went home even if I've another subject and sked for another presentation.
I decided to go to infirmary..nakalutang na talaga pakiramdam ko. At eto ang nangyari... Doctor: Anong nararamdaman mo? Me: Nanghihina po ako e at hirap akong huminga since last night baka po sa kakapuyat. Dr:..so bakit hirap ka huminga? Me:ho (i was thinnking bakit nga ba ako hirap huminga and i realizd kaya nga ako andun para alamin) hindi ko ho alam e bakit nga ho ba ako hirap huminga? Dr:may asthma ka, smoke ka..? Me: wala po. Dr: Sige say ahh.. Me:ahhh.. Dr: may nana yung throat mo possible na pharyngitis. Me: so yun po cause ng mahira huminga. Dr: hindi mo man aminin sa akin...e may nana yung throat mo.. Me: kaya po ako hirap huminga? Dr: Hindi. Me: so dahil puyat at pagod lang po siguro? Dr: Kahit puyat at pagod ka hindi yan mag cause ng paghirap ng paghinga. Kung pagod ka e di mag rest ka. Me: e madami po akong gagawin. Dr: dahil estudyante tayo kailangan nating gawin ang dapat gawin ganyan talaga..sabi mo pagod ka e di magpahinga ka. resetahan kita...ANO GUSTO MO NG MEDICAL CERTIFICATE? Me: hindi po..hindi ko kailangan ng medical certificate.
dizzy at hindi ko malaman anong nararamdaman ko iniwan ko doctor at umupo sa waiting area nila. Walang nagtanong kung kaya kong umuwi o lumakad. Umalis ako and as far as I can remember sumusuray/gumegewang ang lakad ko pauwi sa Ipil and I was alone. Nakapasok pa ako sa kwarto at wala na akong natandaan kung anong nangyari. After 5 hrs ata nakatulog ako inisip ko kung anong nangyari..gamot na bibilhin and my conversation w d doctor.
I felt bad when I realized kung anong gustong sabihin ng doctor. Pasalamat sya groggy ako nung time na she was trying to make me feel "luma na yang drama mo" or else madidinig nya dapat nyang madinig. Baka masyado na syang matagal sa serbisyo at kelangan ng magpahinga. She was so mean!!
Nakakalungkot na may mga tao na sa posisyon nila na dapat ma comfort ang mga tao e sa kanila pa ma experience mga bagay na ganito. Btw highblood ang mas acceptable na sakit para sa old woman doctor ng UP Infirmary..hilo nga ako at ni hindi ko nalaman name nya. Low blood kasi ako at never pang na hi-blood.
ahhhh....I was expecting to see you pa naman that day.....sabi nga nila umuwi ka na daw kasi nagkasakit ka . Hay..... buhay nga naman....madaming taong hindi nakakaintindi....dapat na lang daw tayo ang umintindi....naks! mature?! hehehe
ahhhh....I was expecting to see you pa naman that day.....sabi nga nila umuwi ka na daw kasi nagkasakit ka . Hay..... buhay nga naman....madaming taong hindi nakakaintindi....dapat na lang daw tayo ang umintindi....naks! mature?! hehehe
so get well soon!! cya around
thanks : ) Babalik ako nun sana gusto ko lang mag nap kasi parang wala na akong nadidinig o naiintindihan haha pag may kumakausap sakin walang nag regster :(
Natutulog muna ako d past days pero ginagawa pa rin mga dapat gawin..ayoko ng may INC kaya kaht anong mangyari tapusin ko 'to!!! naks